IPAGDIRIWANG ni Lionel Messi ang World Cup triumph nito sa pamamagitan ng pagpayag na manatili sa Paris Saint-Germain (PSG) ayon sa isang local media habang sinusubukan na bigyan ng title ang French side nito.
Ang 25 taong gulang na nanguna para sa kampeonato ng Argentina sa World Cup final laban sa France sa Qatar noong nakaraang linggo ay lalagda ng one-season extension sa current deal nito sa French capital na nakatakda nang mag-expire sa summer.
Sinabi ng Le Parisian at RMC Sport na makikipagpulong si Messi kay PSG President Nasser Al-Khelafi at iba pang top club officials kapag nagbalik na ito matapos ang kanyang World Cup break.