WPS, nahaharap sa banta ngayon gaya ng climate change—pag-aaral

WPS, nahaharap sa banta ngayon gaya ng climate change—pag-aaral

NAHAHARAP sa banta ngayon ang West Philippine Sea (WPS) mula sa natural o human-induced stressors gaya ng climate change, fisheries, at plastic pollution.

Ayon ito sa pag-aaral ng University of the Philippines Marine Science Institute.

Tinutukoy nila na halimbawa ang pagdami ng mga mangingisda kumpara sa mga isda, nakakapinsalang fishing practices at marami pang iba.

Dahil sa factors na mga ito kasabay na ang pagtaas ng temperatura ng karagatan dala ng climate change, napapadalas na rin ang coral bleaching events.

Ang coral bleaching events ay sanhi naman ng pagkasira ng tahanan ng iba’t ibang species.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble