Wreath-laying ceremony, isinagawa sa People Power Monument

Wreath-laying ceremony, isinagawa sa People Power Monument

ISINAGAWA ang isang wreath-laying ceremony sa People Power Monument ngayong araw.

Simple at payak lamang ang paggunita sa ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw sa Quezon City.

Ito ay bilang paggunita sa ika-tatlumput anim na anibersaryo ng EDSA People Power noong 1986.

Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government o DILG Sec. Eduardo Año ang naturang event kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte at EDSA People Power Commission Chairman Rene Escalante.

Inumpisahan ang selebrasyon ng isang flag ceremony na sinundan naman ng pag-aalay ng mga bulaklak.

Samantala, nakiisa naman si Vice President Leni Robredo sa paggunita ng People Power Revolution.

Sa mensahe ni Robredo, iginiit nito na buhay ang diwa ng EDSA.

Dagdag ng bise-presidente na ang kuwento ng EDSA ay kuwento ng pagtindig, paglaban para sa pangarap ng paglaya at pagmamahal.

At nagtapos ang seremonya sa pagkanta ng mga awiting sumikat noon.

Pangulong Duterte, kinilala ang frontliners at tapat na public servants sa paggunita ng Edsa People Power

Binigyang pagkilala naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga medical at essential workers at mga tapat na public servants sa paggunita ng ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang mga ito aniya ang sumasalamin sa tunay na diwa ng People Power Revolution.

Binigyang diin din ng Pangulo na mahalagang tularan ng bawat isa ang kabayanihan at walang pag-iimbot habang patuloy tayong bumabangon mula sa mga kasalukuyang hamon tungo aniya sa mas magandang Pilipinas para sa lahat.

Dagdag ng Pangulo, na ang okasyon na ito ay isang paalala na kung may pagkakaisa, pagtutulungan at pananampalataya, walang bagay na hindi makakamit nang sama-sama para sa ikabubuti ng bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter