Xian Lim, nakuha na ang kanyang commercial pilot license

Xian Lim, nakuha na ang kanyang commercial pilot license

IBINAHAGI ni Xian Lim sa kanyang fans ang kanyang bagong achievement sa Instagram.

Suot ang kanyang pilot uniform at kasama ang kanyang captain, flight instructors at flymates sa aviation school, kitang-kita ang tuwa sa mga mata ng aktor.

Nagsimula si Xian Lim sa kanyang pilot journey noong September 2024, bilang flight trainee sa Topflight Aviation Academy.

Na-experience niya ang kanyang unang student flight noong October 2024, at November naman nang napagtagumpayan niya ang kanyang kauna-unahang solo flight at natanggap ang unang epaulette o flight stripes.

Hanggang sa nakuha ang Private Pilot license noong January 2025.

Labis din ang pasasalamat ni Xian sa lahat ng sumuporta sa kanya at sa lahat ng naniniwala na makakamit niya ang tagumpay sa aviation industry.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter