Xiumin ng EXO, maglalabas ng 2nd mini album

Xiumin ng EXO, maglalabas ng 2nd mini album

EXO-LS sa buong mundo, good news!

Inanunsyo ng EXO member at soloist na si Xiumin na magkakaroon sya muli ng music comeback.

Nitong February 14, 2025 nang ibahagi nya sa kanyang social media ang teaser image para sa kanyang mini-album na may pamagat na ‘Interview X’.

Nakatakda naman itong i-release sa March 10.

Ito na ang kanyang pangalawang mini-album matapos ang release ng ‘brand new’ noong 2022.

Samantala, walong kanta ang nakapaloob sa upcoming full-length album ni G-Dragon ng Bigbang.

Pinamagatang ‘übermensch’, magiging available ito para sa lahat ngayong February 25.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble