Xmas lights, dapat hanggang 4 na oras lang nakasindi –BFP

Xmas lights, dapat hanggang 4 na oras lang nakasindi –BFP

IMINUMUNGKAHI ng Bureau of Fire Protection (BFP) na hanggang apat na oras lang dapat naka-on ang mga Christmas lights para hindi mag-overheat.

Ayon ito kay BFP-National Capital Region (BFP-NCR) Chief Supt. Nahum Tarroza bilang isa sa mga hakbang na maging ligtas ngayong Christmas season.

Nauna nang ipinaalala ng BFP na iwasang bumili ng mura at substandard na mga Christmas light upang maiwasan ang mga sunog.

Partikular na dito ang mga gawa sa maninipis na wires at may loose plugs dahil mabilis lang itong nag-ooverheat at posibleng maging sanhi ng short circuits.

Dapat lang anila na bumili ng Christmas lights na may Philippine Standard Quality at Import Commodity Clearance Stickers.

Follow SMNI NEWS in Twitter