Xmas parties at reunions, posibleng maging dahilan ng COVID surge –DOH

Xmas parties at reunions, posibleng maging dahilan ng COVID surge –DOH

NANGANGAMBA ang Department of Health (DOH) sa posibilidad na baka umabot sa 2,200 ang pinakamataas na maitatalang average na arawang kaso ng COVID -19 sa bansa sa katapusan ng Disyembre.

Ipinaliwanag ni DOH OIC Dra. Maria Rosario Vergeire na maaari itong mangyari kung magpapabaya o magkukumpiyansa at magpapatuloy ang publiko sa paglabag sa health protocols ngayong holiday season.

Gayunman ay nakikita umano ng DOH na kung patuloy namang susunod ang publiko sa minimum public health standards ay tinatayang nasa 429 cases lamang na kaso ang maitatala sa bansa.

Ngayong panahon ng Kapaskuhan ay sunod-sunod ang mga party at mga reunion kaya hiniling ng DOH ang labis na pag-iingat laban sa virus ng COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter