NAKATAKDANG maglabas ng extended play ang OPM hitmaker na si Yeng Constantino.
“Reimagined” ang magiging pamagat nito at featured sa album ang re-recordings ng kaniyang hit songs.
Halimbawa na dito ang kantang “Salamat”, “Lapit”, at “Ako Muna” maging ang unreleased songs nito na “Pag-Ayaw Mo Na” at “Kasalanan Ko Ba”.
Magiging available ito sa Hulyo 28.