IKINABAHALA ng maraming fans ang nakita nitong bukol sa leeg ng BLACKPINK member na si Jisoo.
Ang litrato kung saan makikita ang bukol sa leeg ni Jisso ay usap-usapan ngayon sa internet.
Ayon sa Medline Plus, isang online information service ng United States National Library of Medicine, ang bukol ay maaring isang infection o injury na posibleng maging cancer o cyst kung hindi maaagapan.
Subalit sagot ng YG Entertainment, ang talent agency ni Jisoo, maayos naman ang kalagayan nito at walang health problems ang K-Pop Idol.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na namataan ang naturang bukol ni Jisoo.