PINA-impeach na si Yoon Suk Yeol bilang pangulo ng South Korea.
Bagamat nakaupo pa sa puwesto si Yoon ay suspendido na ang kaniyang presidential powers.
Sabado, Disyembre 14 nang isagawa ng mga mambabatas sa South Korea ang botohan hinggil dito.
Sa ngayon ay si Prime Minister Han Duck-Soo ang nagsisilbing acting president ng bansa.