AYON kay Greco Belgica, Former Chairman, Presidential Anti-Crime Commission, tumutulong si Pastor Apollo C. Quiboloy sa tao, hindi nagnanakaw sa gobyerno, bagkus tumutulong pa sa gobyerno.
“’Yung nangyayari kay Pastor Quiboloy ngayon, puwedeng mangyari sa kahit na sino sa atin. Tumutulong siya sa tao, hindi nagnanakaw sa gobyerno, bagkus tumutulong pa sa gobyerno.”
“Anong kasalanan ang ginawa niya sa bayan? Anong kasalanan ang ginawa niya sa mga politiko maliban sa pagsasabi ng totoo?”
“Ang dami-daming criminal diyan, ang dami-daming magnanakaw sa Kongreso, sa Senado, at sa gobyerno. Bakit hindi sila ang ikulong? Bakit si Pastor ang tinutuligsa, gayong nagsasabi lamang siya ng totoo?” ayon kay Greco Belgica, Former Chairman, Presidential Anti-Crime Commission.