Zack Snyder, ipapalabas na ang horror-action film na ‘Army of the Dead’ sa Mayo 21

Zack Snyder, ipapalabas na ang horror-action film na ‘Army of the Dead’ sa Mayo 21

IPAPALABAS na ang American zombie heist film ni Zack Snyder na ‘Army of the Dead’ sa Mayo 21 na isnulat niya kasama sina Shay Hatten at Joby Harold, batay sa isang kwento ni Snyder.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ng  mixed martial artist at Fil-Am actor na si Dave Bautista o higit na kilala bilang Batista, isang sikat na professional wrestler.

Dave Bautista “Batista”, Actor, professional wrestler, mixed martial artist bodybuilder

Bida rin sina Ella Purnell, Omari Hardwick, Ana de la Reguera, Theo Rossi, Matthias Schweighöfer, Nora Arnezeder, Hiroyuki Sanada, Tig Notaro, Raúl Castillo, Samantha Win, Huma Qureshi, at Garret Dillahunt, bilang isang grupo ng mga sundalo na nagpaplano ng isang heist sa Las Vegas casino sa gitna ng isang zombie apocalypse.

Ang pelikula ay inihayag noong 2007, ngunit gumugol ng maraming taon ang development sa Warner Bros bago binili ng Netflix noong 2019.

Si Snyder bilang direktor at nagsimulang mag-film noong Hulyo 2019, na naganap sa Los Angeles, New Mexico, at New Jersey, kasama ang sa Atlantic Club Casino Hotel.

Si Chris D’Elia ay orihinal na isa sa cast sa pelikula, ngunit pagkatapos ng ilang sexual accusations laban sa kanya noong Agosto 2020,  pinalitan ito ni Tig Notaro ang kanyang karakter at muling ini-reshot ang kanyang mga eksena gamit ang green screen at double bodies.

Ang Army of the Dead ay nakatakdang ipalabas sa mga piling sinehan sa Estados Unidos sa Mayo 14, 2021, bago mag-streaming ng digital sa Netflix sa Mayo 21.

SMNI NEWS