Zamboangueño, nanalo ng P21-M sa PCSO

Zamboangueño, nanalo ng P21-M sa PCSO

NANALO ang isang Zamboangueño matapos ang 28 taon ng matiyagang paglalaro sa lotto ng P21,215,267 sa superlotto 6/49 na draw noong Abril 27, 2023.

Naglaro ng lotto ang bagong milyonaryo mula noong 1995 at ipinahayag ang kasiyahan nang malamang nanalo siya ng jackpot.

Ang suwerteng bettor, na pumili ng nagwaging kombinasyon na 48-10-12-28-34-05, kinuha ang kaniyang premyo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) main office noong Mayo 2.

Balak ng nanalo na gamitin ang pera upang mamuhunan sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.

Ayon sa PCSO charter, ang mga panalo ay dapat na i-claim sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pag-draw o kung hindi ay mawawala at maging bahagi ng charity fund.

Ayon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law), ang mga panalong lotto na higit sa P10-K ay sakop ng 20% final tax.

Nanawagan naman ang PCSO sa lahat, na bumili lamang ng tiket mula sa awtorisadong PCSO outlets.

Ang mga kita ay magpapondo ng mga iba’t ibang programa ng charity, tulong-medikal, at serbisyong pangkalusugan ng gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter