PINADALHAN ni Ukranian President Volodymyr Zelensky si Chinese President Xi Jinping ng isang liham na imbitasyon para sa isang pag-uusap.
Sa naganap na World Economic Forum sa Switzerland, ipinaabot ni Olena Zelenska ang liham sa mga representante ng China sa pagpupulong.
Inaasahan ni Zelensky na magiging daan ang Tsina sa pamamagitan ng impluwensiya nito sa pinuno ng Russia na si Vladimir Putin upang masolusyonan na ang giyera sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ay matapos na iposisyon ng Tsina ang sarili bilang neutral sa digmaan, habang kasabay nito ay nagpapalalim ng ugnayan nito sa Moscow, partikular sa sektor ng enerhiya.
Hanggang sa ngayon wala pang naiulat na tugon ang China patungkol sa kahilingan ng Ukraine.