Zelensky, nanawagan kina Biden at Xi Jinping na makiisa sa Ukraine Peace Summit

Zelensky, nanawagan kina Biden at Xi Jinping na makiisa sa Ukraine Peace Summit

NAGLABAS ng video kung saan nagsusumamo si Ukrainian President Volodymyr Zelensky upang makiisa ang mga lider ng mundo sa isang Peace Summit sa Switzerland sa susunod na buwan.

Ito ay kasunod ng atake ng Russia sa isang DIY hypermarket sa Kharkiv noong Sabado, na ikinamatay ng hindi bababa sa 16 at ikinasugat naman ng daan-daang tao.

Partikular na tinukoy ni Zelensky sina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping na dumalo sa nasabing pagpupulong na magsisimula sa Hunyo a-15.

Hinihimok ni Zelensky ang mga nabanggit na lider na ipakita ang kanilang liderato para sa tunay na kapayapaan.

“I am appealing to the leaders of the world who are still aside from the global efforts of the Global Peace Summit – to President Biden, the leader of the United States, and to President Xi, the leader of China,” Volodymyr Zelenskyy President of Ukraine said.

“Please, show your leadership in advancing the peace – the real peace and not just a pause between the strikes. The efforts of the global majority are the best guarantee that all commitments will be fulfilled. Please support the Peace Summit with your personal leadership and participation,” he added.

Samantala, ayon kay Chinese Foreign Ministry Mao Ning na suportado ng Beijing ang nasabing peace summit para sa kapayapaan, ngunit dapat parehas na panig ng Ukraine at ang ikonsidera.

Binigyang-diin ng China na dapat ring makiisa ang Moscow, at tiyakin ang “pantay na panig at makatarunganang diskusyon” sa mga plano para sa kapayapaan.

Idinagdag ni Mao na “hinihimok ng China ang lahat ng mga pagsisikap na nakatutulong sa mapayapang paglutas ng krisis sa Ukraine.”

“China encourages all efforts that are conducive to a peaceful resolution of the Ukraine crisis,” said Mao Ning Spokesperson, Ministry of Foreign Affairs.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter