SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN, APRIL 30, 2025 — Ipinahayag ni Ang Bumbero Partylist 1st Nominee Astra Pimentel-Naik ang matatag niyang paninindigan kontra korupsyon sa harap ng libu-libong dumalo sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa San Jose del Monte, Bulacan.
“Zero corruption ang sagot,” giit ni Pimentel-Naik habang tinatalakay ang pangangailangan ng tunay na reporma upang makamit ang isang maayos, matatag, at maipagmamalaking Pilipinas. Aniya, panahon na upang buwagin ang kultura ng katiwalian sa gobyerno at itaguyod ang tapat na pamumuno sa ilalim ng PDP Laban slate.
Lubos din niyang pinuri si Pastor Apollo C. Quiboloy para sa matibay nitong paninindigan sa anti-corruption policy, na ayon sa kanya ay hindi lamang mag-aangat sa kabuhayan ng mamamayan kundi magpapatibay rin sa reputasyon ng bansa sa pandaigdigang komunidad.
“Ang isang gobyernong walang korupsyon ay pundasyon ng maunlad na bansa. Ito ang ipinaglalaban ng PDP Laban, at ito ang sinusuportahan ko,” dagdag ni Pimentel-Naik.
Ang naturang rally ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng PDP Laban para sa Halalan 2025, na layuning ipakalat ang mensahe ng pagbabago, tapat na serbisyo, at pambansang kaunlaran.