NAKATANGGAP ng bagong assets ang Sultan Kudarat mula sa PNP-Headquarters sa Metro Manila.
Bagong-bago at magara ang mga bagong patrol ng Sultan Kudarat Police Provincial Office na gagamitin nila sa pagpa-patrol at pagmi-maintain ng peace and order.
Pitong munisipyo ng probinsya ang makikinabang sa brand new 4×4 patrol cars.
Bahagi ito ng mga paghahanda para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
‘‘Malaking tulong po ito, kasi this has been the request of our local government unit (LGU) and especially the mayors na kinakailangan ‘to para maka-ikot agad nang maayos ang ating mga pulis sa kanilang pag-responde sa kanilang operation at iba pa,’’ ayon kay Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, Province of Sultan Kudarat.
Nasa 249 na barangay ang binabantayan ng Sultan Kudarat Provincial Government para sa BSKE.
Bagay na tinututukan ng Police Regional Office 12 ng PNP.
‘‘For the record, 5 barangays na red area but as of now wala tayong namo-monitor na report na any incident. Much more wala tayong report ng threat. So, we are good and we are preparing for it,’’ saad ni PBGen. Jimili Macaraeg Regional Director, PRO 12.
Bukod sa mga sasakyan, may mga bullet vest at iba pang assets ang binigay sa Sultan Kudarat PNP.
Target naman ng Provincial Government na makamit ang zero-election violence sa paparating na BSKE.
‘‘In fact, what we’re hoping for is zero election violence tayo. So, masasabi natin na although may idineklara akong red spots konti-konti, this is because boundary tayo ng ibang province. Pero aside from that we see that election will be very peaceful and orderly here in Sultan Kudarat,’’ ayon pa kay Gov. Pax Mangudadatu.