Zsa Zsa Padilla, pinaka-latest na celebrity victim sa Facebook hacking

Zsa Zsa Padilla, pinaka-latest na celebrity victim sa Facebook hacking

INANUNSYO ng actress-singer na si Zsa Zsa Padilla na wala na siyang access sa kanyang official Facebook fan page dahil sa hacking.

Sa kanyang Instagram post, nagpahayag ng panghihinayang si Padilla sa pagkawala ng kanyang account.

Agaran na rin itong umapela sa Facebook Meta na baka maaaring solusyonan ang pagiging “madali” nitong ma-hack.

Ilan na ring mga celebrity ang nakaranas ng pagka-hack ng kanilang Facebook accounts at isa na rito si Ivana Alawi at Zeinab Harake.

 

Follow SMNI News on Twitter