Zubiri, dismayado sa 2025 Proposed National Budget na ipinasa ng Senado at Kamara

Zubiri, dismayado sa 2025 Proposed National Budget na ipinasa ng Senado at Kamara

SA isang interview sa Senado pinuna ni Zubiri na karamihan sa ahensya ng gobyerno ay ‘di nadagdagan ang pondo, ito ay sa kabila ng rekomendasyon ng mga senador dagdagan.

Kabilang sa mga ‘di nadagdagan ng Pondo ay ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Habang nabawasan naman ang pondo para sa AFP modernization ayon Kay Zubiri.

‘’Not just the OVP but all the departments natanggalan sila so sayang. Parang nagging back to NEP ang mga departments. Eh bakit pa tayo nag hearing? Kasi kung NEP na lang din, eh kung paglabas ng NEP galing sa DBM dapat deretso approved na. Bakit pa tayo nag hearing. That is not a good precedence,’’ ayon kay Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Si Zubiri ay kasama nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go, Pia Cayetano, at Imee Marcos na ‘di pumirma sa Bicameral Conference Committee report na naglalaman ng 2025 Proposed National Budget.

Isang araw matapos naman na maratipikahan ng Senado at Kamara ang Proposed National Budget ay naghayag din ng pagkadismaya si Department of Education Secretary Sonny Angara.

Sa isang tweet – inihayag ng pagkalungkot ang dating senador matapos bawasan ng labindalawang bilyong piso ang Department of Education. Si Zubiri ay naghayag ng suporta sa sinabi ng kanyang dating kasamahan sa Senado.

‘’Under Article 5 of the constitution Education should have the highest priority in the budget of our country coming from country. And therefore now hindi na po yan ang nangyari. Nakikita ko po ang frustration ni Secretary Angara and I fully support it,’’ ani Zubiri.

Kaugnay nito ay naglabas na rin ng pahayag si Senador Imee Marcos kaugnay sa panukalang 2025 National Budget.

Nanawagan si Senador Imee sa kanyang kapatid na si Bongbong Marcos na tutukan ang kasalukuyang isyu sa budget at nagpaalala na ang pangingialam ng ilang mambabatas sa Ilang departamento ay labag sa batas.

“Nakikiusap ako, pakitutukan mo ang isyu ng pondo at badyet; at ipaalala na ang pakikialam ng mga mambabatas sa ilang departamento at sangay ng gobyerno ay labag sa batas at sa konsensya ng tao,” saad ni Sen. Imee Marcos.

Sa panig naman ni Senadora Grace Poe, Chairperson ng Senate Committee on Finance, sinabi niya na ipinapaubaya na niya sa Pangulo kung ano ang gagawin sa ipinasang panukalang budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

‘’We reiterate that the education sector remains a priority, as we have increased the budget for students and teachers. We fully recognize the President’s prerogative over the budget,’’ ayon kay Sen. Grace Poe.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble