Zubiri sa pagbaba niya bilang SP: Maraming tila nagalit sa hearing sa PDEA Leaks, People’s Initiative

Zubiri sa pagbaba niya bilang SP: Maraming tila nagalit sa hearing sa PDEA Leaks, People’s Initiative

BAKAS sa mukha ni Senador Migz Zubiri ang kalungkutan matapos ang kaniyang pagbaba sa pwesto bilang Senate President.

Ayon sa kaniya, ang nangyaring pagpapalit ng senate leadership ay maaaring dahil sa kaniyang paninindigan para sa pagsasarili ng senado.

Marami umano kasi ang tila nagalit sa hindi nito pagsunod sa utos para sa pagpapahinto sa senate investigation sa PDEA Leaks.

Ang galit umano sa kaniya ay nagsimula sa pagtutol niya sa People’s Initiative.

Hindi naman na nito sinagot kung ang orders para sa imbestigasyon ng Senado ay galing sa Malacañang.

Sinabi nitong naging mabilis ang pagpapalit na ginawa sa Senate leadership.

May iba pa aniya na nagpahayag ng suporta, pero sa huli ay hindi naman bomoto para sa pagpapanatili niya sa puwesto at dito aniya higit na sumama ang loob niya.

Zubiri: Nakaka-pressure ang Senate presidency

Sinabi pa ni Zubiri na nakakastress at nakakapressure ang maging Senate President.

Hiling aniya nito sa bagong Senate Pres. na si Chiz Escudero na hindi siya maapektuhan sa pressure.

Pagiging malapit ni Escudero kay PBBM, ‘di makakaimpluwensya sa bago niyang posisyon

Samantala, tiniyak naman ng bagong Senate President na hindi maiimpluwesyahan ang kaniyang liderato kahit pa nga malapit siya kay PBBM.

Saad nito, nalaman lamang niya na siya na ang Senate President matapos niyang makapanumpa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter