MARIKINA CITY — Sa isang masigla at makulay na araw ng ehersisyo, nagtipon-tipon ang mahigit 100 miyembro ng Zumbarkada ng Marikina upang ipakita ang kanilang buong suporta sa senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Kasama ang ilang volunteers ng kampo ni Pastor ACQ, todo hataw ang grupo sa kanilang regular na Zumba session — hindi lang para sa pisikal na kalusugan, kundi bilang simbolo rin ng kanilang paniniwala sa plataporma ng kandidato.
“Bilang mga simpleng mamamayan, ang pangarap lang namin ay isang maayos, mabilis, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan. Naniniwala kami na si Pastor Quiboloy ang may puso para dito,” pahayag ng isa sa mga miyembro ng Zumbarkada.
Ayon sa grupo, malaking hamon pa rin ang pag-access sa maayos na serbisyong medikal, lalo na sa mga ordinaryong Pilipino. Kaya naman, umaasa silang sa pamamagitan ng kandidatura ni Pastor ACQ, maipapasa ang mga batas at programang magbibigay ng:
Libreng health check-ups
Mas maraming health centers sa bawat komunidad
Epektibong tulong medikal sa panahon ng emergency
Pagpapataas ng sweldo at training para sa mga frontliners