AARANGKADA na ngayong Sabado, Marso 15 ang quarterfinals ng Premier Volleyball League o PVL All-Filipino Conference.
Kasunod ito ng pagkakakumpleto ng 8 team.
Nakuha ng Zus Thunderbelles ang huling spot sa quarterfinals matapos magwagi sa kanilang play-in tournament match sa pool a nitong Huwebes sa PhilSports Arena.
Tinalo ng Thunderbelles ang Capital1 Solar Spikers sa iskor na 25-22, 25-17, 18-25 at 25-17.
Nanguna sa panalo ng team sina Glaudine Troncoso na may 15 points at Thea Gagate na may 13 points.
Makakaharap ng Zus ang Petrogazz Angels sa quarterfinals.