2 miyembro ng CTG sa Maguindanao del Norte, nasawi sa engkuwentro

2 miyembro ng CTG sa Maguindanao del Norte, nasawi sa engkuwentro

NASAWI ang dalawang mga kasapi ng communist terrorist group (CTG) matapos na makipagbakbakan sa mga operating unit ng 57th Infantry (Masikap) Battalion sa Brgy. Salansang, Lebak, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Guillermo Mabute Jr., kumander ng 57IB, nagsagawa ng military operations ang tropa ng pamahalaan matapos na makatanggap ng sumbong mula sa mga sibilyan hinggil sa ginagawang pangingikil o ‘extortion activities’ ng mga teroristang komunista sa nasabing lugar.

Sa naturang operasyon katuwang ng 57IB at ang ilan pang mga unit mula sa 37IB, 7IB at iba pang operatiba ng militar laban sa sampung komunistang terorista na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa nilang mga kasamahan sa Sitio Laman ng nasabing lugar.

Ayon kay Brigadier General Michael A. Santos PA, Commander ng 603rd Brigade na mga miyembro ng executive committee ng Sub-Regional Command (SRC) – Daguma of Far South Mindanao Region (FSMR) ang mga nakaengkuwentro ng tropa ng pamahalaan.

Nasabat naman ng mga kasundaluhan ang mga kagamitang pandigma ng mga komunistang terorista na isang 5.56mm M16 rifle, isang Cal .45 pistol, isang Granada, mga magasin, mga bala, subersibong dokumento, mga personal na gamit, at iba pang mga war material.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble