Davao City Mayor Sara Duterte, nagbitiw na mula sa Hugpong ng Pagbabago

Davao City Mayor Sara Duterte, nagbitiw na mula sa Hugpong ng Pagbabago

NAGBITIW na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio mula sa Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ito ang kinumpirma ni HNP Secretary General Anthony del Rosario.

Ayon sa Del Rosario, alas 9:30 kaninang umaga naghain ng kanyang resignation si Duterte-Carpio bilang chairperson ng HNP.

Sa liham aniya ng alkalde sa mga opisyal at miyembro ng partido, lubos nitong ikinalulungkot ang pagbibitiw sa HNP.

Nagpasalamat din ito sa kanyang mga nakasama sa partido.

Matatandaang nag-withdraw ang presidential daughter sa kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Davao City para sa 2022 elections ngunit hanggang ngayon ay wala pa itong inaanunsyong susunod na plano.

BASAHIN: Davao City Mayor Sara Duterte, umatras sa pagtakbong Alkalde sa 2022

Marcos, iginiit na tuloy ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections

Tuloy na tuloy pa rin ang pagtakbo ni dating Senador Bongbong Marcos sa pagkapangulo sa 2022 national and local elections.

Ito ang nilinaw ni Marcos sa gitna ng mga espekulasyon na magiging vice president siya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ngayon hapon ay dumalo si Marcos bilang ninong sa kasal ng anak ni Senador Bong Revilla sa Revilla Farm sa Cavite.

Dumalo rin dito ang presidential daughter Mayor Sara Duterte.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.