Alpha at Delta COVID-19 variants, “extinct” na sa Pilipinas—DOH

Alpha at Delta COVID-19 variants, “extinct” na sa Pilipinas—DOH

EXTINCT na kung maituring sa Pilipinas ang iba’t ibang COVID-19 variants.

Halimbawa rito ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa ang variants na Alpha at Delta na dahilan para lubos na tumaas ang kaso noon ng virus sa bansa.

Bagama’t may 10 porsiyento na pagtaas noong holiday season ay bumaba na ito sa kasalukuyan ayon sa kalihim.

Nananatili ring mababa o nasa 21 porsiyento ang hospitalization rate ng COVID-19 patients at ang mga kaso na dinadala sa intensive care unit (ICU) ay nasa 16 porsiyento lang.

Sa Monovalent XBB COVID-19 vaccines na magmumula sa Global Alliance for Vaccines and Immunization (GAVI) ay isasaprayoridad dito ani Herbosa ang mga nasa vulnerable sector gaya ng mga nakatatanda, may comorbidities, at buntis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble