Isyu ng ‘new model’ o ‘gentleman’s agreement’ dapat nang patayin—WPS Spox

Isyu ng ‘new model’ o ‘gentleman’s agreement’ dapat nang patayin—WPS Spox

NAGSIMULA nang mag-imbestiga ang mga mambabatas kaugnay sa isyu ng ‘gentleman’s agreement’ o ‘new model’ sa pagitan ng China at Pilipinas.

Araw ng Martes, humarap sa Kongreso ang ilang gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kabilang dito sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea, dating Defense Secretary Delfin Lorenzana at dating National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Iginiit ng tatlong opisyal na walang napag-usapan ang China at Pilipinas tungkol sa ‘gentleman’s agreement’ o maging ang ipinipilit ng mga kritiko ni Duterte na ‘new model’.

Anila, ipinagpatuloy lamang ng Duterte administration kung anong napagkasunduan ng Aquino administration sa China noong 2013 sa ilalim ni dating Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Kaugnay rito, araw ng Miyerkules humarap sa Senado si dating Western Command (WesCom) Head Vice Admiral Alberto Carlos.

Si Carlos kasi ang itinuturo ng China na kausap nila hinggil sa umano’y ‘gentleman’s agreement’ o ‘new model’ na dumaan pa nga umano sa ilang rounds ng diskusyon na naglalayong ayusin ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa kaugnay sa Ayungin Shoal.

“Side through AFP WesCom agreed on a “new model” for the management of the situation at Ren’ai Jiao early this year after multiple rounds of discussions,” pahayag ng Philippine China Embassy.

“Either the “gentlemen’s agreement” or the new model is a confidence-building measure aimed at managing disputes, avoiding conflicts and maintaining peace, and has nothing to do with each other’s sovereign positions,” dagdag ng Philippine China Embassy.

Ngunit sinabi ni Carlos sa Senado na walang nangyaring kasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ipinunto niya na isa lamang siyang commander ng WesCom at hindi ng buong AFP para pumasok sa isang kasunduan.

Kaugnay rito, sinabi ni Commodore Roy Vincent Trinidad, Navy Spokesperson for the West Philippine Sea na dapat patayin na ang naturang isyu.

“We stand by the pronouncement of the president no such agreement is in existence, if there is any, it is already been rescinded, I call it a zombie story na dapat patayin na natin kasi ito ay galing sa kanila hindi naman ito galing sa atin,” saad ni Comm, Roy Vincent Trinidad, Spokesperson for West Philippine Sea, PN.

Dagdag pa ng opisyal, dapat maging maingat sa pagkuha ng mga pahayag nang sa gayon ay hindi mag-away-away ang mga kapwa Pilipino.

“We have to be very careful in picking up the narrative from the other side because a lot of this is designed to send indecent amongst us na tayo mismo mag-away-away,” ayon pa kay Trinidad.

Pagtanggal kay Vice Admiral Carlos bilang pinuno ng Wescom, hindi parusa—AFP spox

Samantala, kaugnay naman sa pagtanggal kay Vice Admiral Carlos bilang pinuno ng WesCom, sinabi ni Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng AFP na hindi ito parusa para kay Carlos.

Paliwanag nito, matagal nang naka-leave si Carlos at dapat na itong palitan.

“It’s never a form of punishment, its part of our being officers even the enlisted personnel rotation policy, it’s a policy,” wika ni Col. Francel Margareth Padilla, Spokesperson, AFP.

Si Vice Admiral Carlos ay pinalitan ni Rear Admiral Alfonso Torres Jr. bilang pinuno ng WesCom habang si Carlos naman ay nasa general headquarters ng AFP at nasa superbisyon ng chief of staff ng AFP.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter