Kapangyarihang mag-angkat ng NFA, tuwing may emergency lang—DA

Kapangyarihang mag-angkat ng NFA, tuwing may emergency lang—DA

PAPAYAGAN lang ang National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng bigas kung may emergency.

Paglilinaw ito ng Department of Agriculture (DA) sa gitna ng hindi pagsang-ayon ng ilang grupo ng magsasaka sa mungkahing pagbibigay kapangyarihan sa NFA na mag-angkat.

Kung sakaling magtagumpay ang mungkahi ay sinabi rin ng DA na may sapat na safeguards para sa pag-angkat ng NFA.

Matatandaang sinabi ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na hindi na kailangan pang bigyan ng karagdagang kapangyarihan ang NFA.

Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, suportado niya ang pag-amyenda ng Rice Tariffication Law (RTL) subalit ang pagbabago na gagawin ay ang pagdagdag lang ng funding para sa rice competitiveness enhancement fund.

Mula sa kasalukuyang P10-B ay gagawin na sana itong P30-B.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble