Milk production sa Pilipinas, malayo kumpara sa ibang bansa

Milk production sa Pilipinas, malayo kumpara sa ibang bansa

78% ng mga fresh milk ay nanggagaling sa mga baka o cattle at ang natitirang porsiyento naman ay nagmumula sa mga kambing o iyong tinatawag na dairy goats.

Malaking bahagi ng milk production ng bansa ay nanggagaling sa CALABARZON area, mayroon din sa Visayas at sa ilang parte ng Norte.

Sabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa, pinapabuti pa nila ang lahi ng mga baka at kambing para makamit ang mas malaking produksiyon o nakukuhang gatas mula sa mga ito.

Aminado kasi ang DA na medyo malayo pa ang Pilipinas pagdating sa pagproduce ng gatas.

“Iyon kasing ating native na dairy ay hindi ganoon kalaki iyong milk production. Pero iyan iyong ginagawang action ngayon ng ating kagawaran,” pahayag ni Asec. Arnel de Mesa, DA.

Nabanggit ni De Mesa ang milk production ng ibang bansa tulad ng New Zealand at Australia na talagang malalaki ang baka nila at mas magaling magbigay ng gatas kaysa sa mga baka sa Pilipinas.

“Kaya nagkakaroon tayo ng breeding program para—ang nagiging issue lang doon kapag dinala naman sila dito kailangan i-acclimatize pa natin sila eh – so, iyon iyong nagiging problema. So, kailangan ng breeding para masigurado na kaya nilang mag-survive dito at makakapagbigay ng mas maraming gatas – iyon iyong ginagawa natin,” dagdag ni De Mesa.

Sa Hunyo1 ay nakatakdang ipagdiwang ang World Milk Day na pangungunahan ng Food and Agriculture Organization.

Ngayong taon, gaganapin ang event sa compound ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa MayO 31.

Itatampok dito ang maraming klase ng fresh milk na may iba’t ibang flavor.

Sa kabila ng estado ng milk production ng bansa, ayon sa DA official, dumami pa rin naman ang mga alagang baka at kambing na nagbibigay ng karagdagang gatas.

Kaya naman, kahit papaano ay nakapagtala pa rin aniya ng mataas na produksiyon ng gatas ang bansa.

“Inaasahan natin na tataas pa by at least 5% to 8% iyong ating magiging milk production because of mga improvements sa herd at improvements sa pagdami ng ating mga inaalagaang dairy cattle at dairy goats,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble