Sen. Dela Rosa, mananatiling chairman ng Committee on Public Order

Sen. Dela Rosa, mananatiling chairman ng Committee on Public Order

SISIKAPIN ng Senado na maisapinal ngayon ang chairmanship ng mga komite sa ilalim ng liderato ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero.

May ilang senador na mananatili sa kanilang hinahawakang komite gaya ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na chairman ng Public Order at Dangerous Drugs at Sen. Bong Go sa Health Committee.

Ayon kay Dela Rosa, dahil mananatili siya sa Public Order at Dangerous Drugs ay tuloy ang imbestigasyon sa PDEA leaks.

Si Sen. Tolentino naman, sinabing bibitawan na ang Senate Committee on Justice at Maritime.

Magkakaroon naman ng eleksiyon sa mga komite na binakante nila Nancy Binay at Sonny Angara na nag-resign bilang Finance Committee Chair.

Siya ay posibleng palitan ni Sen. Grace Poe.

Mabibigyan din ng komite ang iba pang Senador na nag-resign sa kanilang puwesto tulad ni former Senate Majority Leader Joel Villanueva, former Senate President Pro Tempore Loren Legarda at former Deputy Majority Leader JV Ejercito.

Si Sen. Sherwin Gatchalian ay mananatili namang chairman ng Ways and Means and Basic Education dahil hindi naman ito nag-resign sa kaniyang komite kahit pa ito ay sumuporta kay Zubiri.

Si Zubiri ay humiling naman na mabigyan pa rin ng komite.

Samantala, ibinahagi ni First Lady Liza Marcos ang larawan ng naging gathering nito sa Palasyo kagabi kasama si Escudero at ilang mga senador gaya ni Senators Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, Francis Tolentino, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Grace Poe, Cynthia Villar, Loren Legarda, at Pia Cayetano.

Kasama ng mga senador ang kanilang mga asawa.

Wala naman sa larawan si Senator Bato dela Rosa gayundin si Zubiri.

Una nang nilinaw ni Escudero na matagal nang naka-schedule ang naturang pagtitipon at hindi ito dahil sa pagpapalit ng liderato sa Senado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble