100 IP leaders sa Mindoro binigyang kaalaman kaugnay sa kanilang karapatan

100 IP leaders sa Mindoro binigyang kaalaman kaugnay sa kanilang karapatan

AABOT sa 100 leader ng mga katutubo mula sa Occidental at Oriental Mindoro ang nakiisa sa ginawang ugnayan sa mga katutubo.

Ang nabanggit na programa ay ginanap sa Sitio Banaba, Brgy. Benli, Bulalacao, Oriental Mindoro.

Layon nitong magkaroon ng malalimang pag-unawa, karanasan sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ang mga nasabing IP leader.

Tinalakay naman ng NCIP ang House Bill No. 9608 o naglalayong bigyang-katwiran ang pangangasiwa at proseso ng mga lupaing ninuno na nagsusulong para sa layunin ng Republic Act No. 8371 o mas kilala bilang “The Indigenous Peoples Rights Act of 1997.

Maliban sa mga nabanggit, naibahagi rin ng 4th Infantry Battalion ang mga taktika ng pangrerekruit ng teroristang CPP-NPA-NDF sa hanay ng mga katutubo kung paano gamitin ang propaganda ng makakaliwang grupo para sa isyu sa lupa at kung paano ang paraan para hindi malinlang ang mga katutubo sa teroristang CPP-NPA-NDF.

Follow SMNI NEWS on Twitter