LUMIKAS na ang nasa anim na libo katao sa Fort McMurray, Alberta, Canada para makaiwas sa wildfire.
Paliwanag ni Alberta Wildfire Information Officer Josee St. Onge, sanhi dito ang tuyong kondisyon na sinabayan pa ng hangin.
Noong nakaraang linggo pa nang mag-umpisa ang wildfire sa western province sa Alberta.
Samantala, matatagpuan sa Fort McMurray ang oil sands industry ng Canada.