AFP, pinangalanan na ang apat na defense attachés

AFP, pinangalanan na ang apat na defense attachés

PINANGALANAN na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang apat na bagong Defense and Armed Forces Attachés (DAFAs) sa Russia, Japan, Indonesia, at Spain.

Sa isang pagpupulong mainit na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga nabanggit na bagong DAFA sa General Headquarters sa Kampo Aguinaldo.

Kinilala ang mga bagong DAFA na sina Colonel Franklin Fabic para sa Russia, Captain Peter Tolentino III para sa Japan, Colonel Emerson delos Santos para sa Indonesia, at Colonel Joseph Jeremias Cirilo Dator para sa Spain.

Ayon sa AFP sila ay napili dahil sa kanilang outstanding qualifications at dedikasyon sa pagpapalakas ng interes ng depensa ng Pilipinas sa ibang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble