Border sa pagitan ng Gaza at Egypt, sinakop na ng Israel

Border sa pagitan ng Gaza at Egypt, sinakop na ng Israel

SINAKOP na ng Israeli Forces ang isang tinaguriang buffer zone sa border sa pagitan ng Gaza Strip at Egypt.

Kasunod ito sa nagpapatuloy na pagsalakay ng Israel sa Rafah kahit na may utos ang International Court of Justice na itigil na ang pang-aatake sa lugar.

Ibig sabihin, susi na ito para magkaroon sila ng awtoridad sa naturang land border.

Sa kasalukuyan, nasa 36-K na ang nasawing Palestinians sa Gaza dahil sa mga pang-aatake ng Israel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble