Simula ngayong araw, Mayo 4, magsisimula ang Dagupan City government na magbenta ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa City Plaza.
Prayoridad sa bentahan ang senior citizens, solo parents, persons with disabilities, 4Ps members, magsasaka, mangingisda, at mga transport driver.
Kailangan magpakita ng valid ID o sertipikasyon mula sa kaukulang ahensiya para makabili at masiguro ang maayos na distribusyon.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez, layunin ng programa na magbigay ng abot-kayang bigas at hinihikayat ang maagang pagpunta ng mga benepisyaryo.
