Digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas, magtatagal pa ng ilang buwan

Digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas, magtatagal pa ng ilang buwan

MAGTATAGAL pa ng ilang buwan ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Sa pahayag ni Israeli Chief of Staff Herzi Halevi, walang ‘shortcut’ sa pagsawata ng Hamas na kinikilala nitong isang terrorist organization maliban na lang sa tuluy-tuloy na pakikidigma laban dito.

Kaugnay rito, maaaring mag-aplay para magkaroon ng temporary visas sa Canada ang sinumang indibidwal mula sa Gaza Strip na may kamag-anak na Canadians.

Ayon kay Canadian Immigration Minister Marc Miller, magsisimula ang programa sa Enero 9, 2024.

Binigyang-diin nito na walang kakayahan ang Canada na magbigay ng ligtas na paglisan mula sa Gaza.

Aabot sa tatlong taon ang visa na maibibigay ng Canada para sa sinumang maging kuwalipikado na makapasok sa bansa mula sa Palestinian category.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble