Ex-Cong. Teves, posibleng arestuhin muli pero malabo umanong maibalik agad sa Pilipinas

Ex-Cong. Teves, posibleng arestuhin muli pero malabo umanong maibalik agad sa Pilipinas

MAAARI na umanong arestuhin muli sa Timor-Leste si dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. dahil pinagbigyan na ng naturang bansa ang petisyon ng Pilipinas na ma-extradite o maibalik na ito sa bansa.

Ipinaliwanag ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Raul Varquez na maituturing na kasing undocumented alien si Teves matapos ang naturang desisyon.

Dahil diyan ay maaari aniyang pansamantalang ibalik si Teves sa kulungan habang ipinoproseso ang extradition laban sa kaniya.

Kaugnay rito ay sinabi ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na naghahanda na sila ng apela sa Court of Appeals ng Timor-Leste.

Mahaba pa umano ang proseso ng kaso kaya naniniwala silang hindi pa puwedeng ibalik agad sa Pilipinas ang kaniyang kliyente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble