IAEA head, bibisita sa Japan para ibigay ang assessment sa treated wastewater release

IAEA head, bibisita sa Japan para ibigay ang assessment sa treated wastewater release

MAGKAKAROON ng apat na araw na pagbisita si IAEA Director General Rafael Grossi para irepresenta ang mga pagsusuri nito sa safety review ng plano ng Japan na magpakawala ng treated radioactive water maging iba pang agenda ukol sa isyu.

Pangungunahan din ni Grosie ang IAEA office sa isang site sa Fukushima Dai Ichi Power Plant.

Sa Martes, ang director general ay nakatakdang makipagkita kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida para ipakita ang assessment nito.

Ayon sa Tokyo Electric Power Company Holdings Inc. (TEPCO), ang IAEA officials ay itatalaga sa bagong field office sa panahon na magsimula na ang safety review sa pagpapakawala ng tubig.

Ang waste water ay nilagyan na ng Advanced Liquid Processing System (ALPS) na tinatanggal ang maraming radionuclides maliban sa tritium.

Balak na simulan ng gobyerno at TEPCO ang pagpapakawala ng tubig sa tag-init pero nais ng gobyerno ng Japan na pag-aralan pa ring mabuti ang assessment bago gumawa ng hakbang para dito.

Ipinag-utos naman ni Kishida sa mga nakatalagang ministry ukol sa pagpapakawala na sagutin ang mga katanungang lokal at internasyonal.

Ito ay kasunod ng banta sa kalikasan, kalusugan at pagkain.

Una namang tinutulan ng China, Russia at Korea ang hakbang na ito ng gobyerno ng Japan.

Ayon sa IAEA, makikinig ito sa opinyon at kahilingan ng mga mamamayang maapektuhan sa pagpapakawala ng treated radioactive wastewater.

Follow SMNI NEWS in Twitter