Itim na sako na naglalaman ng 19 pakete ng shabu, isinurender sa PDEA, PNP

Itim na sako na naglalaman ng 19 pakete ng shabu, isinurender sa PDEA, PNP

ISINURENDER ng dalawang mangingisda sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang sako na naglalaman ng 19 pakete ng shabu sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Ayon sa PDEA Ilocos Sur Provincial Office (PDEA-ISPO), nadiskubre ng dalawang mangingisda ang nasabing sako na naglalaman ng shabu bandang 6:00 am at pinagbigay-alam ito sa mga awtoridad 12:15 pm, Hunyo 27, 2024 sa Brgy. Puro, Magsingal, Ilocos Sur.

Nabatid na ang 19 na transparent pack na naglalaman ng shabu ay tinatayang may bigat na 19 kilo.

Nagsagawa ang PNP Provincial Forensic Unit ng inisyal na pagsusuri sa anim na pakete na nagbunga ng positibong resulta sa pagkakaroon ng methamphetamine hydrochloride.

Kinilala ang dalawang mangingisda na sina Ian Jake Tiqui y Pagud, 20, binata at Rommel Oxciano y Tiqui, 31, may asawa, na residente ng Sitio Nagpartian Brgy. Puro, Magsingal Ilocos Sur.

Gayunman, magbibigay ang Ilocos Sur Provincial Government ng P50-K sa dalawang mangingisda na nakarekober at nag-surrender bilang reward.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble