Kremlin, kinumpirma na makikipagpulong si Kim Jong Un kay Russian Pres. Putin

Kremlin, kinumpirma na makikipagpulong si Kim Jong Un kay Russian Pres. Putin

KINUMPIRMA ng Kremlin na sa darating na mga araw, ay matutuloy pa rin ang planong pakikipagpulong ni North Korean President Kim Jong Un kay Russian President Vladimir Putin.

Ito ay sa kabila ng mga panawagan dahil sa pagpapalalim ng ugnayan ng Moscow sa Pyongyang.

Noong Lunes sa isang pahayag, kinumpirma ng Kremlin na bibisita si Kim sa Russia dahil sa imbitasyon ni Putin.

Subalit, hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang Kremlin sa magiging layunin sa gagawing pulong ng dalawang pinuno, kabilang na ang lokasyon at oras nito, ngunit dumating si Putin sa Eastern Port City sa Vladivostok ng Russia upang dumalo sa Eastern Economic Forum na parehong ginanap noong Lunes.

Kaya naman, marami ang nagduda na baka ang lungsod ang maging lokasyon ng pagpupulong, sapagkat ito ay medyo malapit sa North Korea dahil ito rin ang naging lokasyon ng kanilang unang pagkikita noong 2019.

Nakita rin ang armored train na ginamit noon ni Kim malapit sa North Korea-Russia border at mayroong mga spekulasyom na nakasakay rito ang lider ng Pyongyang.

Habang kinumpirma naman ng North Korean state media ang nakatakdang pagbisita ni Kim ay hindi rin ito nagbigay ng iba pang karagdagang detalye.

Noong Linggo nga ay sumakay sa personal train nito si Kim kung saan makikitang nagpaalam ito sa mga opisyal ng gobyerno at miyembro ng armed forces sa station platform sa Pyongyang.

Ayon naman sa tagapagsalita ng National Security Council na si Adrienne Watson, inaasahan na ng gobyerno ng Estados Unidos ang isang “leader-level diplomatic engagement” sa mga armas sa pagitan ng dalawang bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter