INILABAS na sa publiko ng SMNI Statecraft anchor at foreign policy expert na si Sass Rogando Sasot ang kanyang libro na tumatalakay sa isyu ng South China Sea.
Pinamagatang “A Lighthouse Before a Troubled Sea: Essays on the South China Sea Conflict,” ang libro ni Sass.
Sa kanyang karanasan bilang foreign policy scholar, malalim ang ginawang pagtalakay ni Sass sa kanyang libro.
Dinagsa ng kanyang mga tagasuporta at ilang kilalang personalidad ang kanyang book launching at signing kamakailan.
Ang dating Palace Press Secretary na si Atty. Trixie Cruz-Angeles ang nagsilbing host dito.
Pinuri din ni Atty. Trixie ang paraan ng pagsusuri ni Sass sa mga komplikadong isyu kaugnay sa tensyon sa pagitan ng mga bansang may taya sa South China Sea.
Aniya, kahit ordinaryong mamamayan ay mauunawaan ang nangyayaring banggaan sa pagitan ng mga bansa.
Nagpasalamat naman si Sass sa suportang natanggap nito mula sa kanyang mga tagasuporta at gayundin kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ang unang batch ng mga naimprentang libro ay ibinenta sa halagang 550 piso bawat isa.
Sa mga interesado namang makakuha ng kopya ng libro, hintayin lamang ang anunsyo sa official Facebook page ni Sass, sa For The Motherland – Sass Rogando Sasot.