Bumiyahe na sa Shenzhen, China si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules, upang dumalo sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting at mga kaugnay na aktibidad.
Ito’y kasunod ng paanyaya ni Chinese President Xi Jinping.
Sa kaniyang departure message nitong Nobyembre 18, ipinaliwanag ni Marcos ang kahalagahan ng APEC sa pandaigdigang ekonomiya.
Ayon sa kaniya, kinakatawan ng APEC member economies ang 37 % ng populasyon sa buong mundo, 61% ng Global Gross Domestic Product (GDP), at 46% ng kalakalan sa mga produkto at serbisyo.
Inaasahan din aniyang lalago ng 3.4% ang mga ekonomiya sa APEC Region ngayong taon, na mas mataas kaysa sa inaasahang paglago ng pandaigdigang ekonomiya.
Nakatakdang makipagpulong ang Pangulo sa iba pang mga lider at kinatawan ng mga negosyo upang talakayin ang mga posibilidad sa kalakalan at pamumuhunan.
Tiniyak naman ni Marcos na sa kabila ng pakikipagtulungan sa China, mananatiling matatag ang Pilipinas sa pagtatanggol at pagtataguyod ng pambansang interes.
