Mga residente ng EMBO barangays, ‘di makakaboto ng congressman ngayong 2025 elections

Mga residente ng EMBO barangays, ‘di makakaboto ng congressman ngayong 2025 elections

HINDI pa maaaring makaboto para sa kanilang congressional representative ngayong 2025 midterm elections ang mahigit 200 residente ng EMBO barangays.

Sa isang press briefing, tanging national at local positions pa lang maaaring makaboto ang mga ito gaya ng senator, mayor, vice mayor, at mga miyembro ng city council.

Sa paliwanag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia, ang 10 EMBO barangays na dating sakop ng second district ng Makati ay hindi pa sakop sa kahit saang congressional districts ng Taguig.

Noong nakaraang taon nang malipat sa hurisdiksiyon ng Taguig ang EMBO barangays kasama na ang Fort Bonifacio.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble