Pagtatapon ng nuclear wastewater mula sa Fukushima Plant, binatikos ng Chinese envoy

Pagtatapon ng nuclear wastewater mula sa Fukushima Plant, binatikos ng Chinese envoy

BINATIKOS noong Lunes ng isang Chinese envoy ang naging aksiyon ng Japan dahil sa pagpapakawala nito ng nuclear-contaminated water sa karagatan mula sa Fukushima Nuclear Power Plant at hinimok din nito ang Japan na tanggapin ang mahigpit na international supervision.

Sa International Atomic Energy Agency (IAEA) Board of Governors Meeting na isinagawa kahapon sa Vienna, ang kabisera ng Austria, sinabi ni Li Song, ang permanent representative ng China sa United Nations at iba pang international organizations sa Vienna, ang pagtatapon ng nuclear-contaminated water sa karagatan ay siyang naging pangunahing isyu na may kinalaman sa global marine environment at public health at ito ay hindi domestic affair ng Japan.

Ayon kay Li, ang Fukushima Nuclear accident na nangyari 12 taon na ang nakalipas, ang siyang nagdulot ng malubhang sakuna sa Japan.

Ngunit ang bansa ay may pananagutan at obligasyon na itapon ang nuclear-contaminated water sa pinaka-responsable, pinakaligtas at pinakamaingat na paraan upang maiwasan na magdulot na naman ito ng pangalawang pinsala sa marine environment at sa sangkatauhan at ang pagtatapon sa dagat ay hindi lamang ang maaaring maging opsiyon nito at hindi rin ito ang pinakaligtas at pinaka-responsableng opsiyon.

Binigyang-diin ni Li, na hindi hiniling ng Japan sa IAEA na magsagawa ng komprehensibong opsiyon sa pagtatapon maliban sa sea dumping, na siyang ginawa nito.

Aniya, ang naging pahayag ng IAEA, ay hindi maaaring magsilbing ‘pass’ para sa Japan at itapon na lamang ang nuclear-contaminated water sa karagatan.

Ayon kay Li, ang naging ulat ng IAEA ay hindi maaaring magbigay sa Japan ng legitimacy para sa pagtatapon at dahil nga unilateral na sinimulan ng Japan ang pagtatapon ng radioactive wastewater sa karagatan.

Napakahalaga para sa IAEA na magtatag ng isang pangmatagalan at epektibong international monitoring mechanism na hindi na kontrolado ng Japan.

Ayon kay Li, dapat harapin ng Tepco at gobyerno ng Japan ang mga seryosong alalahanin ng international community.

Kung saan ang mga miyembro ng estado at ang board of governors ay dapat ding gumanap sa pangunahing role sa pagtatatag ng mga kaugnay na international monitoring mechanisms at magsagawa ng mga regular na pagsusuri sa isyu na kinakaharap ngayon ng Japan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter