Panukalang national budget para sa 2025, papalo sa P6.352-T—DBM

Panukalang national budget para sa 2025, papalo sa P6.352-T—DBM

AABOT sa P6.352-T ang proposed national budget para sa Fiscal Year 2025.

Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary and Development Budget Coordination Committee (DBCC) Chairperson Amenah Pangandaman kasunod ng ika-188 pulong ng komite.

Sinabi ni Secretary Pangandaman na 10.1 percent na mas mataas ang 2025 proposed budget kaysa sa pambansang pondo ngayong 2024 na P5.768-T.

Inilahad pa ng kalihim na ang nasabing panukalang budget ay katumbas ng 22.0 percent ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ang proposed 2025 National Budget ay nakaangkla sa temang, “Agenda for Prosperity: Fulfilling the Needs and Aspirations of the Filipino People”.

Ang 188th DBCC Meeting ay dinaluhan din nina National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, at ilang opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Finance.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble