Pilipinas, Asian leg ng “Marvel Universe Live!”

Pilipinas, Asian leg ng “Marvel Universe Live!”

TANGING Pilipinas lang ang Asia leg ng “Marvel Universe Live!”

Isasagawa ito sa SM Mall of Asia Arena mula Hunyo 7 hanggang 16, 2024.

Tampok sa Marvel Universe Live! ang kuwento ng Doctor Strange at Guardians of the Galaxy na nagsanib-puwersa para kalabanin si Nebula na nakipagtulungan na rin kay Loki at Green Goblin.

Matutunghayan din dito ang superhuman forces na sina Iron Man, Thor, Black Panther, Hulk, at Black Widow.

Sa lahat ng interesado, maaaring silipin ang ticket information sa official page ng SM MOA Arena sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble