Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong pagtatayo ng undersea power cable na mag-uugnay sa Sabah, Malaysia at Mindanao.
Ito ang kauna-unahang proyektong ganito sa loob ng ASEAN na magbibigay-daan sa palitan ng suplay ng kuryente sa pamamagitan ng dagat.
Ayon sa Department of Energy (DOE), palalakasin ng kasunduan sa ASEAN Power Grid ang kakayahan ng Pilipinas na kumuha ng suplay ng kuryente mula sa mga karatig-bansa.
Nilagdaan ang pinalawak na memorandum of understanding noong Nobyembre 15, kasabay ng pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa.
Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapatatag ng suplay ng kuryente sa Mindanao at pagpapalawak ng kooperasyon ng Pilipinas at Malaysia sa sektor ng enerhiya.
