Pilipinas, tutukan na ang sariling imbestigayon sa drug war—SolGen

Pilipinas, tutukan na ang sariling imbestigayon sa drug war—SolGen

NANINDIGAN si Solicitor General Menardo Guevarra na walang legal duty ang Pilipinas para makipagtulungan ang bansa sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay kasunod ng pagsabi ng ICC Appeals Chamber na ang kanilang desisyon ay hindi dahil sa argumento ng Pilipinas sa hurisdiksiyon.

Sa isang mensahe, sinabi ni Guevarra, sinabi nito na tutukan na lamang ng bansa ang sarili nitong imbestigasyon at ang prosekusyon sa mga krimeng nagawa sa giyera ng bansa kontra ilegal na droga noong nakaraang administrasyon.

“Considering that the ICC Appeals Chamber did not resolve the issue of jurisdiction, the State takes the position that it has no legal duty to cooperate with the ICC investigation. Instead, the Phil. government will focus on its own investigation and prosecution of crimes in relation to the war on drugs,” pahayag ni Menardo Guevarra, Solicitor General.

Dagdag ng solicitor general na maaring ituloy ng ICC ang kanilang imbestigasyon pero hindi aniya ito makaaasa na makikipagtulungan dito ang Pilipinas dahil patuloy aniya nilang ipaglalaban ang hurisdiksiyon ng bansa.

Nakausap na rin ni Guevarra ang Pangulong Marcos kung saan pumayag itong itigil na ang anumang pakikipag-ugnayan sa ICC.

“After full disengagement from the ICC, there’s nothing else that we need to do but to focus on our own investigation. the ICC is free to proceed with its own investigation but it cannot expect any cooperation from the Philippine government, as we continue to dispute it’s jurisdiction,” dagdag ni Guevarra.

“That’s it. We have no more appeals pending. We have no more actions being taken. So, I suppose that puts an end to our dealings with the ICC,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

DOJ, aalamin ang mga maaring miyembro ng ICC na papasok sa bansa—Sec. Remulla

Ipinauubaya naman ng SolGen sa Department of Justice (DOJ) ang magiging hakbang sa oras na papasok sa bansa ang ICC para mag-imbestiga.

Matatandaan na una nang sinabi ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na hindi welcome sa bansa ang ICC.

Sakali aniyang pipilitin ng mga ito na pumasok sa bansa ay magkakagulo dahil ‘usurpation of authority’ ang gagawin ng mga ito.

Sa ngayon wala pang direktiba ang DOJ sa Immigration.

Pero ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, aalamin na nila ang mga representante ng ICC na posibleng pumasok dito sa bansa.

Payo ng kalihim sa ICC, mas pagtuunan na lamang nila ng pansin ang mga bansang magugulo at walang maayos na justice system.

DOJ, magbibigay ng witness protection program sa mga tetestigo sa drug war

Samantala, tiniyak naman ng kalihim na magiging patas ito sa kanilang imbestigasyon sa drug war.

Kung magkakaroon aniya ng testigo sa drug war ay maaari din nila itong mabigyan ng proteksiyon.

Giit ni Remulla, kaya hindi umuusad ang imbestigasyon sa drug war sa bansa ay dahil wala namang gustong tumestigo.

 

Follow SMNI News on Rumble