PNP chief, pinangunahan ang official ceremonial lighting of Christmas Tree at Lanterns sa Kampo Krame

PNP chief, pinangunahan ang official ceremonial lighting of Christmas Tree at Lanterns sa Kampo Krame

MASAYA at makulay ang ginawang ceremonial lighting of Christmas Tree and lanterns sa loob ng Kampo Krame kagabi Nobyembre 30, 2023.

Pinangunahan ito ni PNP chief Police General Benjamon Acorda Jr., at iba pang matataas na opisyal ng PNP.

“Paskong nagkakaisa tungo sa Bagong Pilipinas” ang tema ng aktibidad.

Napuno ng kantahan at sayawan ang gabi kasabay ng mensahe sa publiko na makipagtulungan para sa isang mapayapa at maayos na pamayanan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter