Rider at angkas na sinita ng SAICT matapos dumaan sa EDSA bus lane, nanggagalaiti sa galit

Rider at angkas na sinita ng SAICT matapos dumaan sa EDSA bus lane, nanggagalaiti sa galit

TULUY-tuloy ang panghuhuli ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ng mga pasaway na motorista na dumadaan sa EDSA busway.

Patunay rito ang operasyon ng ilang tauhan ng DOTr-SAICT sa EDSA-Santolan at EDSA-Ortigas southbound busway.

Sapul sa operasyon ang ambulansiya na pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan ng Bacoor dahil sa pagdaan nito sa EDSA-Santolan busway.

Hindi kasi ito awtorisadong dumaan sa naturang kalsada dahil wala naman itong dalang pasyente.

Bukod pa diyan wala itong maipakitang OR CR at hindi rin siya awtorisadong magmaneho ng ambulansiya dahil sa lisensiyang non-pro.

Naglabas naman ng sama ng loob ang isang motorista nang mahuli ng SAICT sa EDSA-Ortigas busway.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang mga pulis na ito na natiketan din ng SAICT matapos dumaan sa EDSA bus lane.

Nauwi naman sa tensiyon ang pagsita ng mga traffic enforcer ng SAICT sa rider at angkas nito matapos sitahin ng SAICT.

Depensa ng rider at ng angkas, pinara sila ng SAICT kahit wala umano sila sa loob ng EDSA busway sa bahagi ng Ortigas.

Pero, nanindigan ang SAICT na nahuli itong dumaan sa bus lane kung kaya’t pinara ang mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble