Tanggapan ni QC Vice Mayor Sotto, naglunsad ng Gandang Serbisyo para sa mga kababaihan

Tanggapan ni QC Vice Mayor Sotto, naglunsad ng Gandang Serbisyo para sa mga kababaihan

NAGLUNSAD ang tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto ng Gandang Serbisyo para sa mga kababaihan ng QCitizen bilang bahagi ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Isinagawa ang iba’t ibang Gandang Serbisyo para sa mga kababaihan ang opisina ni Sotto sa covered path walk ng Quezon City Hall.

Ang mga libreng serbisyong hatid nito ay facial, massage, haircut, at hair spa. May mga beauty at skincare products din na maaring subukan sa mga booth.

Nagpasalamat naman ang mga dumalong kababaihan sa nasabing programa ni Sotto, na marami silang natutunan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble